Saturday, August 20, 2011

Nasaan ka na?



Nakasayad ang aking mga paa sa lupang nahamugan,
Ngunit ang aking kaluluwa'ý naglalakbay sa walang -hanggan,
Hinahanap ay --ikaw. 


Ang tinig ng hangin ay aking pinakikinggan 
baka sakaling sikreto niya ay masumpungan
Upang sa pagsikat ng haring araw, ikaw ay akin nang matagpuan. 


©jenh2011

No comments: