ULAN
Narinig ko kanina lang...bumulong ang bubong ng aking tirahan;Nagtatampo ito sa ulan, humingi sya ng pahinga at sa langit ay nagdasal.Nais niyang masilayan at madampian ng init ng araw.Ngunit, heto na naman ang ulan...
Dahan-dahan man ang patak ay lubhang nakasusugat ng kalamnan.Para bang asupreng nagngangalit parusahan ang sinumang madaiti man lang.Humikbi din ako sa walang tigil na ulan...Dahil para bagang nais nitong lunurin nito ang aking kamalayan.Nangangatal na labi sa labis na lamig, pati ang bubong man ay lumalangitngit,
©jenh2012
No comments:
Post a Comment